--Ads--

Iniutos ng United States ang pag-alis ng mga non-essential staff ng embahada nito sa Riyadh, Saudi Arabia, at kanilang mga pamilya dahil sa tumitinding pag-atake ng Houthi rebels na suportado ng Iran.

Ayon sa US State Department, kabilang sa mga target ng mga pag-atake ang mga paliparan, pasilidad militar at imprastraktura ng langis na nagdulot ng pagkasawi at pagkasugat ng mga sibilyan.

Noong Miyerkules, dalawang dayuhang manggagawa ang nasawi sa pag-atake sa Shaybah oil field, habang isa ang nasawi at walo ang nasugatan sa pag-atake sa King Fahd International Airport sa Dammam.

Samantala, nangako ang United Kingdom na magpapadala ng mga fighter jet upang tumulong sa pagtatanggol sa Saudi Arabia. Pinalakas na rin ng US ang intelligence at targeting support nito, ngunit hindi pa nagpapasya si President Donald Trump na direktang atakihin ang Houthi rebels.

--Ads--