--Ads--

Itinalaga ang swimming standout na si Jamesray Mishael Ajido bilang flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng ikaapat na Youth Olympic Games (YOG) na gaganapin sa Oktubre 31 sa Dakar, Senegal.

Ang 16-anyos na Pinoy tanker ay kabilang sa siyam na atletang Pilipino na sasabak sa anim na disiplina sa naturang kompetisyon.

Tampok sa opening ceremony ang mayamang kultura at musika ng host country sa temang “Africa Welcomes, Dakar Celebrates.”

Sina Ajido at Riannah Chantelle Coleman ang magrerepresenta sa Pilipinas sa swimming sa Nobyembre 1. Sa araw ding ito nakatakdang sumabak ang wushu athlete na si Angel Polo sa women’s taijiquan combined event.

--Ads--

Sa artistic gymnastics, sasabak sina Tchelzy Maayo at Hillarion Palles III sa Nobyembre 7.

Sa Nobyembre 8 naman nakatakdang lumahok si Maritanya Krog sa women’s road race at individual time trial ng cycling competition.

Sasabak din sa athletics sina Pi Durden Wangkay sa men’s 200 meters at Naomi Marjorie Caesar sa women’s 800 meters sa Nobyembre 8.