--Ads--

Nagsagawa ng focus group discussion (FGD) sa Cauayan City upang matukoy ang mga pangunahing pangangailangan, prayoridad at hamon ng mga magsasaka at iba pang kabilang sa agriculture at fisheries sector.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Jenber Nilo, sinabi niyang layunin ng aktibidad na makalap ang mga suhestiyon at alalahanin ng mga stakeholder na magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga susunod na programa at interbensiyon para sa sektor.

Kabilang sa mga tinalakay ang pangangailangan sa binhi at ang epekto ng El Niño, partikular ang matinding init at kakulangan sa tubig na nakaaapekto sa produksyon ng mga pananim.

Patuloy namang naghahanda ang City Agriculture Office ng mga hakbang upang matugunan ang epekto ng tagtuyot, na nakaapekto sa libu-libong magsasaka at ektarya ng taniman ng mais sa Cagayan, gayundin sa ilang rice farmers.

--Ads--