--Ads--

Inamin ni Ruffa Gutierrez na single siya matapos ang hiwalayan nila ni Herbert Bautista noong nakaraang taon, bagaman mayroon siyang mga ka-text na nagpapakilig sa kaniya.

Sinabi ni Ruffa na hindi pa siya nakikipag-date at nananatili silang magkaibigan ni Herbert na regular na nag-uusap.

Ayon sa aktres, may mga pagkakataong hindi nagtatagal ang isang relasyon kaya kailangang tanggapin ang pagtatapos nito at magpatuloy sa buhay.

Ibinahagi rin ni Ruffa na malaki ang naging impluwensiya ni Herbert sa kaniyang desisyong bumalik sa pag-aaral.

--Ads--