--Ads--

Itinanggi ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang mga espekulasyong nasa ilalim ng proteksiyon ng kanilang grupo si Senador Ronald “Bato” dela Rosa habang iniiwasan ang pag-aresto sa kaniya.

Sa pahayag ng MNLF Information Committee, walang kumpirmadong ebidensiyang kasalukuyang kinukupkop ng organisasyon ang senador. Wala rin umanong pormal na ugnayan sa pagitan ni Dela Rosa at ng grupo.

Nilinaw ng MNLF na ang mga naging pahayag ng senador tungkol sa organisasyon ay may kaugnayan lamang sa kaniyang karanasan sa labanan noong siya ay nag-aaral sa Marawi, gayundin sa pagsuporta sa mga programa para sa mga dating mandirigma at kanilang mga anak.

Bagama’t kinilala ng grupo ang pagkakaugnay ni Dela Rosa sa ilang personalidad na may koneksiyon sa MNLF, iginiit nitong walang ebidensiyang miyembro, kaalyado o nasa ilalim ng proteksiyon nito ang senador.

--Ads--

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad si Dela Rosa kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).