Nagtala ng panibagong career-high ranking ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos umakyat sa ika-17 puwesto sa world rankings bago ang kaniyang kampanya sa Hong Kong Open.
Nalampasan nito ang dati niyang pinakamataas na ranking na World No. 18 na naabot noong Agosto 24, bago ang pagsabak sa US Open. Nagsimula naman si Eala sa 2026 season bilang World No. 50.
Sa edad na 21, target ni Eala na tapusin nang maganda ang kaniyang breakthrough season sa Hong Kong Open, na siyang huling torneo sa kaniyang Asian swing.
Nakatakda siyang sumabak bilang second seed sa WTA 250 hard court tournament at haharapin sa unang round of 32 sa Martes ang American player na si Alycia Parks.
Matatandaang nagtapos ang kampanya ni Eala sa Pan Pacific Open matapos siyang matalo sa quarterfinals kontra kay Diana Shnaider ng Russia, na kalaunan ay nagkampeon matapos talunin si Leylah Fernandez sa final sa Tokyo.










