--Ads--
Naaresto ang isang 38-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa Barangay Nagrumbuan, Cauayan City, Isabela.
Ayon sa Cauayan City Police Station, isinagawa ang pag-aresto dakong alas-3:35 ng hapon nitong Nobyembre 8 sa tulong ng mga tracker team at intelligence units ng Isabela Police Provincial Office.
Inisyu ng Municipal Circuit Trial Court ng Bagabag-Diadi, Nueva Vizcaya ang warrant noong Nobyembre 3, 2026, na may inirekomendang piyansang P17,000.
Pansamantalang nakalaya ang akusado matapos makapagpiyansa, subalit magpapatuloy ang pagdinig sa kasong kinakaharap nito alinsunod sa proseso ng korte.
--Ads--











