--Ads--
Nasawi na rin sa ospital ang gunman na pumatay sa anim na katao sa pamamaril sa makasaysayang Main Market Square sa Kraków, Poland nitong Sabado.
Kinumpirma ng pulisya ang pagkamatay ng suspek nitong Lunes matapos ang insidente.
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa far-right ideology ang motibo sa pamamaril, na nagdulot ng matinding pangamba sa bansa at nagresulta sa pagdedeklara ng dalawang araw na national mourning.
Pinaigting din ng mga awtoridad ang seguridad sa mga pampublikong lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
--Ads--











