--Ads--

Anim na katao, kabilang ang isang doktor at 13-anyos na bata, ang nasawi habang 40 iba pa ang sugatan matapos bombahin ng Israel ang Nasser Hospital sa katimugang Gaza nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa mga opisyal ng Palestine, tinamaan ng pag-atake ang bahagi ng surgical unit ng ospital. Kabilang sa mga sugatan ang dalawang doktor na nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi naman ng Israel Defense Forces na target ng operasyon ang isang commander ng Hamas at iba pang hinihinalang militante na umano’y nagtatago sa loob ng ospital.

Kinondena ng US-led Board of Peace ang pag-atake at nanawagan sa Israel at Hamas na tuparin ang kanilang mga kasunduan sa tigil-putukan at tiyakin ang proteksiyon ng mga sibilyan.

--Ads--