--Ads--

Naitala ni Jessica Pegula ang panalo laban kay Linda Noskova matapos makaligtas sa match point nitong Huwebes, dahilan upang masiguro ang puwesto sa semifinals ng WTA Finals.

Nagpakawala si Pegula ng career-high na 16 aces sa loob ng dalawang oras at 45 minutong laban, habang nakapagtala naman si Noskova ng 15 double faults, ang pinakamataas sa kanyang career.

Dahil dito, tuluyan nang natapos ang kampanya ng kapwa Amerikanong si Coco Gauff sa season-ending tournament.

Bagama’t nagtapos na may tig-dalawang panalo at isang talo sina Pegula, Noskova at Gauff, nanguna si Noskova sa grupo dahil sa mas magandang set record, kasunod si Pegula habang pumangatlo si Gauff.

--Ads--

Makakaharap naman ni Pegula sa semifinals sa Sabado ang 19-anyos na Russian tennis sensation na si Mirra Andreeva.

Samantala, nagtapos si Gauff sa torneo sa pamamagitan ng 6-4, 7-5 panalo kontra kay Marta Kostyuk matapos makabawi mula sa 1-5 pagkakaiwan sa second set at magwagi ng anim na sunod na games.