--Ads--

Muling itinalaga bilang Chief Executive Officer ng Nvidia si Jensen Huang, ilang araw matapos tanggihan ng kompanya ang kaniyang pagbabalik kasunod ng mga ulat na inuugnay siya sa isang hinihinalang Chinese spy.

Ayon sa ulat, namagitan si US President Donald Trump upang kumbinsihin ang board of directors ng Nvidia na ibalik si Huang sa puwesto.

Kasunod nito, tumaas ng 31 porsiyento ang shares ng Nvidia, na nagdagdag ng halos isang trilyong dolyar sa market value ng kompanya.

Gayunman, umani ng batikos ang hakbang mula sa ilang mambabatas ng Estados Unidos dahil sa posibleng usapin sa pambansang seguridad at umano’y paglabag sa export controls kaugnay ng China.

--Ads--

Inaasahang haharap si Huang sa mga mambabatas ng US sa Disyembre 1 at 3 upang sagutin ang mga katanungan kaugnay ng kontrobersiya.