Sasabak ang Team Philippines sa 1st ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championships na magsisimula ngayong hapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ayon kay Philippine Sepak Takraw Association President Karen Tanchanco Caballero, hangad nilang maging biennial event ang torneo upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga batang atleta.
Kabuuang 11 bansa ang maglalaban-laban sa limang araw na kompetisyon sa men’s at women’s regu, quadrant, at men’s doubles events.
Binigyang-diin naman ni PSC Chairman Patrick Gregorio ang potensiyal ng mga Pilipino sa sepak takraw, kasunod ng pagkakamit ng silver at bronze medals ng bansa sa nakaraang Asian Games sa Japan.
Inaasahang magiging daan ang torneo upang higit pang mapaunlad ang sepak takraw sa Asya, partikular ang grassroots development ng mga kabataang atleta.











