--Ads--

Nanawagan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez sa mga contractor at negosyante na huwag hikayatin ang mga opisyal ng pamahalaan na masangkot sa korapsyon.

Iginiit ni Lopez na kailangan ang kooperasyon ng publiko at pribadong sektor upang tuluyang masugpo ang katiwalian sa ahensya.

Hinimok din niya ang mga contractor na isumbong ang sinumang tauhan ng DPWH na manghihingi ng lagay upang mapanagot ang mga ito.

Samantala, plano rin ni Lopez na sibakin sa susunod na linggo ang nasa sampung project engineer dahil sa umano’y kabiguan sa wastong pagmomonitor ng mga proyektong pang-imprastraktura.

--Ads--

Ayon sa kalihim, nakatanggap ang ahensya ng mga pekeng litrato na isinumite bilang patunay sa progreso ng ilang proyekto.

Matatandaang una nang sinibak ni Lopez ang ilang district engineer dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga iregularidad at pagsusumite ng mga proyektong hindi maaaring ipatupad sa panukalang 2027 budget.