--Ads--
Hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko at media na itigil na ang pagtawag na “18 marines” o “ex-marines” sa grupong iniuugnay bilang mga bagman ni dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay AFP Chief Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, hindi lahat ng miyembro ng grupo ay kabilang sa Philippine Marine Corps. Dagdag pa niya, wala na sa aktibong serbisyo ang mga dating sundalo nang magtrabaho sila bilang security personnel ni Co.
Samantala, sinabi rin ng Philippine Navy na ilan sa mga nagpakilalang marines ay sinibak o dishonorably discharged mula sa serbisyo dahil sa iba’t ibang paglabag.











