--Ads--

Tiniyak ng Malacañang na “all systems go” para sa pagho-host ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na buwan na gaganapin mula Mayo 7 hanggang 8 sa Cebu.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, iniulat ni Executive Secretary Ralph Recto sa Pangulo na handa na ang lahat ng preparasyon para sa regional event.

Ang Pilipinas ay founding member ng ASEAN na itinatag noong 1967 upang palakasin ang kooperasyong pampulitika, integrasyong pang-ekonomiya, at katatagan sa rehiyon.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon na magho-host ang bansa; huling naganap noong 2017.

--Ads--

Samantala, nagkaroon ng bilateral meeting sa Jakarta sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at ASEAN Secretary-General Kao Kim Hourn upang talakayin ang strategic priorities at pagpapalakas ng ugnayan.

Bilang bahagi ng pagbisita, ipinagkaloob ng Pilipinas sa ASEAN Secretariat ang “Chairship Sculpture” na pinamagatang “Vitality” na likha ng kilalang artist na si Impy Pilapil.