--Ads--

Patuloy ang paglago ng automotive industry sa Pilipinas noong Marso 2026, na umabot sa mahigit 39,000 ang naibentang sasakyan mula sa 37,700 noong Pebrero. Umabot naman sa humigit-kumulang 112,500 units ang kabuuang benta sa unang quarter.

Malaking bahagi ng pagtaas ay dahil sa pagdami ng bumibili ng electric vehicles (EV). Umabot sa 6,148 units ang EV sales noong Marso, mahigit doble kumpara noong Pebrero at bumubuo na ito ng 17% ng merkado mula sa dating 7.4%.

Pinakamarami pa rin ang hybrid vehicles (HEV), pero pinakamabilis ang paglago ng fully electric (BEV) at plug-in hybrid (PHEV). Sa kabuuan ng unang quarter, umabot sa 11,800 units ang EV sales, mas mataas ng 36% kumpara noong 2025.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), lumalakas ang demand dahil sa energy concerns at tumataas na presyo ng langis, kaya mas bukas na ang mga motorista sa electric at mas matitipid na sasakyan.

--Ads--

Nanguna pa rin sa benta ang Toyota, sinundan ng Mitsubishi, Suzuki, Nissan, at Honda.