--Ads--
Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang babae matapos itong magpaputok gamit ang AR-15 rifle sa bahay ni Rihanna sa Los Angeles, kung saan nakatira rin si ASAP Rocky. Ayon sa ulat, nasa bahay si Rihanna nang mangyari ang insidente.
Iniulat ng NBC News na natanggap ang ulat ng pamamaril bandang 1:21 ng hapon, at dumating ang mga imbestigador sa lugar sa parehong oras. Ayon sa Los Angeles Times, may narinig ang mga first responders na humigit-kumulang sampung putok mula sa isang puting Tesla na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada.
Nasa apat na bala ang tumama sa ilang bahagi ng ari-arian ngunit walang naiulat na nasugatan, at hindi pa malinaw kung may iba pang tao kasama ang pop star noong oras ng pamamaril.
This is a developing story.
--Ads--











