--Ads--

Isang babae sa Cagayan de Oro City ang nasawi matapos siyang manganak nang mag-isa sa inuupahang kwarto sa Barangay Bulua, ayon sa mga awtoridad.

Natagpuan siya ng mga residente ng boarding house sa banyo na puno ng dugo at wala nang buhay. Sa loob naman ng kanyang silid, natagpuan ng mga rumespondeng awtoridad ang kanyang bagong silang na sanggol na buhay ngunit napapalibutan ng dugo.

Nailigtas ang sanggol at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office, wala silang nakitang palatandaan ng foul play sa insidente. Sa pahayag ng tagapagsalita ng COCPO, lumalabas na nag-labor nang mag-isa ang babae at siya rin ang nagputol ng kanyang umbilical cord, na posibleng nagdulot ng matinding pagdurugo.

--Ads--

Batay sa imbestigasyon, may dati siyang kinakasama ngunit naghiwalay sila matapos malaman ng lalaki na hindi siya ang ama ng sanggol.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga kamag-anak ng babae, dahil ang kanyang mga magulang ay naiulat na pumanaw na rin, at wala pang direktang pamilya na nakokontak.