--Ads--

Bahagyang lumakas angbagyong Kristine habang kasalukuyang nasa karagatang sakop ng bansa pangunahin sa silangan ng Bicol Region.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 390 km silangan ng Daet, Camarines Norte. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90km/h. Kumikilos ang bagyo pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15km/h.

Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Norte (Basud, Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Mercedes), eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, San Jose, Saglay, Tigaon), eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi) at eastern portion ng Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz).

Signal No. 2 din sa northeastern portion of Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque) and the northern portion of Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche).

--Ads--

Signal No. 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon maging ang Pollilo Islands, Occidental Mindoro maging ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Masbate, Ticao at Burias Islands, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, at natitirang bahagi ng Sorsogon.

Signal No. 1 din ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte maging ang Siargao – Bucas Grande Group sa bahagi ng  Mindanao.

Batay sa forecast ng DOST-PAGASA magpapatuloy ang northwestward na paggalaw ng bagyong Kristine hanggang sa maglandfall ito sa bahagi ng Isabela o Northern Aurora bukas ng gabi o umaga ng Huwebes. Posibleng daanan nito ang bulubunduking bahagi ng Northern Luzon at lalabas sa kanluran ng Ilocos Region sa Huwebes ng hapon o gabi. Ayon sa state weather bureau walang nakikitang pagbabago sa galaw nito dahil walang ibang weather system na nakakaapekto sa sirkulasyon ng bagyo.

Inaasahan din ang paglakas pa ng bagyo hanggang severe tropical storm bago ang landfall nito at bahagyang hihina sa pagdaan sa Northern Luzon. Muli itong lalakas paglabas nito ng kalupaan at sa West Philippine Sea.