--Ads--

Patuloy ang paglapit ng Super Typhoon Leon sa bahagi ng Batanes.

Batay sa 8PM Bulletin ng DOST-PAGASA, ang bagyong Leon ay nasa layong 190 km silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230km/h.

Kumikilos ito pa northwestward sa bilis na 20km/h.

Sa kasalukuyan nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 4 sa Batanes. Signal no. 3 naman sa eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,), at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

--Ads--

Signal no. 2 ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern portion ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon, Gamu, Burgos, Roxas, San Mariano, Reina Mercedes, San Manuel, Naguilian, Benito Soliven), Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), at Ilocos Norte.

Signal no. 1 naman ang natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, at northeastern portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz)

Batay sa Forecast track ng bagyo, inaasahang kikilos ang bagyo pa northwestward hanggang maglandfall sa eastern coast ng Taiwan bukas ng hapon. Matapos ang pagdaan nito sa landmass ng Taiwan, liliko ito pa north northwestward hanggang notheastward sa Taiwan Strait patungo sa East China Sea at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o byernes ng umaga(Nov. 1, 2024).

Ayon sa PAGASA, wala nang inaasahang second landfall sa Mainland China dahil sa paghina nito sa pagdaan sa Taiwan landmass.