CAUAYAN CITY – Lumakas pa ang bagyong Nika kung saan nasa typhoon category na ito ngayon habang nasa silangang karagatan ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 km East Southeast ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150km/h. Kumikilos ito pa west northwestward sa bilis na 20km/h.
Sa ngayon ay nakasailalim na si Tropical Cyclone Wind Signal no. 4 ang northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), central at southern portions ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin), southeastern portion ng Abra, central at eastern portions ng Mountain Province, eastern portion ng Ifugao, at western and southern portions ng Kalinga (Tanudan, Tinglayan, Pasil, Lubuagan, Balbalan, City of Tabuk.
Signal no. 3 naman sa northern portion ng Aurora (Dinalungan), northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong), northern portion ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), natitirang bahagi ng Isabela, southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat), natitirang bahagi ng Abra, southern portion ng Apayao, natitirang bahagi ng Kalinga, natitirang bahagi ng Mountain Province, natitirang bahagi ng Ifugao, northern portion ng Benguet, southern portion ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Signal no. 2 naman sa central portion ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler), natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Quirino, northwestern at eastern portions ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), natitirang bahagi ng Apayao, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Norte, La Union, northeastern portion ng Pangasinan, at northern portion of Nueva Ecija.
Signal no. 1 naman sa natitirang bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern at central portions ng Zambales, Metro Manila, Rizal, eastern portion ng Laguna, northern and eastern portions ng Quezon maging ang Pollilo Islands, Camarines Norte, at northeastern portion ng Camarines Sur.
Inaasahang magpapatuloy ang west northwestward na direksyon ng bagyo hanggang sa huwebes bago ito liliko pa southwestward.
Batay sa forecast track ng weather bureau, maglalandfall ang bagyo sa Isabela o northern Aurora area ngayong umaga. Matapos maglandfall ay dadaan ito sa luzon landmass at lalabas sa Ilocos Sur mamayang gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon.