--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkaroon na ng maraming development ang Balikatan Exercises na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Rodrigo Lutao ang Information Officer ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command kanyang sinabi na tuluy-tuloy ang kanilang ginagawang mga aktibidad at nasusunod naman ang kanilang schedule.

Aniya araw-araw ay iba-iba ang kanilang ginagawa kagaya ng mga rehearsal, humanitarian civic assistance, at simulation sa iba’t ibang emergencies.

May mga aktibidad na din sila na kinailangang gawin indoors dahil sa matinding init ng panahon.

--Ads--

Malapit na ring matapos ang mga classroom buildings na kanilang ginagawa sa Lasam, Cagayan, La Union, at sa Pasukin, Ilocos Norte.

Umaasa naman sila na matatapos ang Balikatan Exercises nang walang nangyayaring disgrasya.

Inaasahan namang matatapos lahat ng aktibidad bago ang ikasampu ng Mayo.