Muling magbabalik ang kilalang Banchetto sa lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng Gawa-gawayan Festival 2026, ngunit ililipat ito ngayong taon sa Isabela Convention Center (ICON).
Inihayag ng lokal na pamahalaan na tatakbo ang aktibidad mula Marso 28 hanggang Abril 19, kung saan inaasahang magiging tampok na destinasyon ito ng mga residente at bisita na nais makatikim ng iba’t ibang pagkain at bagong food concepts.
Bukod sa pagiging food hub, layunin din ng Banchetto na magsilbing plataporma para sa maliliit at katamtamang negosyante upang maipakita ang kanilang mga produkto at makakuha ng mas malawak na merkado.
Bukas ang pagkakataon para sa mga nais maging kalahok sa naturang food bazaar, kung saan hinihikayat ang mga food entrepreneurs na magparehistro sa pamamagitan ng online application. Mayroon ding mga itinalagang contact persons ang pamahalaang lungsod para sa mga katanungan kaugnay ng pagsali.
Sa pagbubukas nito, inaasahang muling sisigla ang ICON bilang pangunahing lugar para sa food trip at negosyo, kasabay ng pagdagsa ng mga mamimili sa taunang selebrasyon ng Gawa-gawayan Festival.











