--Ads--
Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa ilog na nasasakupan ng Sitio Ragpatan, Labinab, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Saturnino Saul, nakakita sa bangkay, sinabi nito na alas-sais kaninang umaga nang magtungo siya sa bahagi ng ilog upang tingnan ang alaga nitong kalabaw at dito na niya napansin ang naturang bangkay.
Una na umano niya itong napansin kahapon subalit inakala lamang niya na basura ito subalit nakumpirma niya kanina na ito ay katawan ng tao nang kaniyang lapitan.
Dali-dali umano niya itong itinawag sa opiyal ng barangay upang maiparating sa mga kapulisan.
--Ads--
Ayon kay Saul, nasa state of decompotition na ang bangkay nang matagpuan. Ito ay nakasuot umano ng pink na t-shirt at maroon na pants.











