Muntik nang mawalan ng malay ang beteranong British singer na si Rod Stewart habang nagtatanghal sa isang concert sa West Valley City, Utah sa Estados Unidos.
Kapansin-pansin na tila nakararanas siya ng matinding panghihina at pananakit habang kumakanta.
Makalipas ang ilang sandali, dinalhan siya ng oxygen tank sa entablado upang matulungan siyang makabawi.
Sa kabila ng insidente, ipinagpatuloy pa rin niya ang palabas at humiling sa mga manonood na maupo muna siya habang kinakanta ang susunod na bahagi ng kanyang pagtatanghal.
Ayon sa mga ulat, nanatiling nakaupo ang 81-anyos na mang-aawit sa nalalabing bahagi ng kanyang performance.
Matatandaang kinansela rin ni Stewart ang isang concert sa California isang oras bago ito magsimula dahil sa acute upper respiratory infection na nauwi umano sa laryngitis.











