--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan na magsagawa sila ng malalimang imbestigasyon laban sa isang LPG Distributor store kung saan naganap ang pagsabog ng LPG tank na ikinasugat ng isang binatilyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 3, Benjamin Amistad Jr. ang Deputy City Fire Marshall sinabi niya na magsasagawa sila ng imbestigasyon at kung sakaling mapatunayang may paglabag ang tindahan sa national Fire Code of the Philippines ay maaari nila itong ipasara.

Aniya marami ang dapat isaalang-alang ang mga may ganitong negosyo dahil delikado ito para sa mga manggagawa.

Dapat ang lugar ay well ventilated, may lilim at malayo sa anumang flammable materials.

--Ads--

Maliban dito ay may paglabag din kung mapatunayang binabawasan talaga ng tindahan ang karga ng mga LPG tank maliban pa sa pagbebenta ng LPG na hindi tama ang timbang.

Samantala, maliban sa BFP at magsasagawa rin ng pagsisiyasat ang kawani ng DOE o Department of Energy dahil sa naturang issue sa pagbabawas ng laman ng LPG.