--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP kaugnay sa tunay na sanhi ng pagkakasunog ng St. Ferdinand Parish Church.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Franklin Tabingo, Fire Marshall ng BFP City of Ilagan sinabi niya na may sinusundan na silang lead sa posibelng naging sanhi para masunog ang St. Ferdinand Parish Church.

Aniya batay sa kanilang pagsisiyasat at ayon na rin sa mga saksi ay nagsimula ang sunog sa kisame ng simbahan.

Makapal na aniya ang usok nang dumating ang mga bumbero at unang nasunog ang trusses nito bago tuluyang bumagsak ang kisame.

--Ads--

Ayon sa kanila bumaba ang mga trabahador para kumain bago sumiklab ang sunog, bagamat hindi pa maaaring sabihing ito talaga ang sanhi ng sunog ay ikinukunsidera nila ito sa kanilang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan ay hindi pa malaman ang kabuuang halaga ng pinsala sa nasunog na simbahan.