--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan nang pagkakasunog ng isang bahay sa Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 3 Samuel Domingo ng Burgos Fire Station kanyang sinabi na dakong alas onse kuwarenta’y singko nang umaga ng makatanggap sila ng tawag ukol sa sunog.

Aniya kaagad silang nagtungo sa lugar at nakarating sila pagkatapos ng limang minuto at idineklara namang fire out ang sunog dakong alas dose y media ng tanghali.

Lumang bahay umano ang nasunog na ginawang tambakan ng gamit at wala na din umanong tumitira sa lugar.

--Ads--

Nagkataon din umano na walang tao malapit sa bahay na nasunog dahilan kaya’t hindi kaagad nakita ang apoy.

Posible naman umanong may naiwanang niluluto sa kusina ng bahay na naginh dahilan nang pagsisimula ng apoy subalit iniimbestigahan pa umano ito ng BFP Burgos.

Base naman sa pagsisiyasat ay aabot sa humigit kumulang 150,000 pesos ang halaga nang nasunog.

Wala namang nadamay na katabing bahay sa sunog dahil siniguro umano ng mga bumbero na hindi na lilipat ang apoy.