--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ng labing anim ang fireworks related injuries sa ikalawang rehiyon batay sa huling report ng Department of Health o DOH Region 2.

Ang nasabing bilang ay naitala mula umaga ng ikalawa ng Enero hanggang umaga ng ikatatlo ng Enero o kahapon.

Dahil sa nasabing bilang, tumaas pa sa pitumput pito ang kabuuang bilang mga nasugatan dahil sa paputok sa rehiyon dos.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng tatlumput walong kaso o 97% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

--Ads--

Majority o 88% ng nasabing mga kaso ay mga lalaki na nasa edad na apat hanggang pitumput anim. 48% ay nagmula sa lalawigan ng Isabela.

Majority o 77% ay mga active user. 64% ay nangyari sa mga bahay at 88% sa mga ito ay nagtamo ng blast/burn injury at walang amputation.

12% ng mga kaso ay nagtamo ng eye injury habang 1% o isa ang nagtamo ng blast/burn injury at naputulan ng daliri.

Pinakamarami sa naitalang kaso o 56% ay dahil sa kwitis at walangnaitalang firework ingestion at stray bullet injury.