--Ads--

Patuloy ang search and rescue operations sa Venezuela matapos yanigin ng magkasunod na malalakas na lindol na may magnitud na 7.2 at 7.5.

Ayon sa Health Ministry, umabot na sa 235 ang nasawi habang 4,300 ang nasugatan, karamihan sa rehiyon ng La Guaira.

Nagdeklara naman ng state of emergency si Acting President Delcy Rodriguez, habang pansamantalang isinara ang Simon Bolivar International Airport sa Caracas dahil sa pinsala.

Samantala, patuloy na dumarating ang tulong at suporta mula sa iba’t ibang bansa.

--Ads--