Umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi matapos tumama ang magnitude 7.7 na lindol malapit sa Flores Island sa Indonesia, ayon sa National Disaster Management Agency ng bansa.
Nagbabala naman ang Indonesia’s Meteorology, Climatology and Geophysics Agency sa publiko na manatiling alerto dahil posible pa ang mga aftershock kasunod ng malakas na pagyanig. Nauna nang naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad ngunit kalaunan ay inalis din ito.
Naramdaman ang malalakas na pagyanig sa iba’t ibang lugar kung saan maraming residente ang nagmadaling lumikas at lumabas ng kanilang mga bahay upang makaiwas sa panganib.
Patuloy namang sinusuri ng mga rescue team ang lawak ng pinsala at bilang ng mga naapektuhan sa iba’t ibang bahagi ng Flores Island habang nagpapatuloy ang emergency response operations.
Matatagpuan ang Indonesia sa Pacific Ring of Fire, na dahilan kung bakit madalas itong makaranas ng mga lindol at pagputok ng bulkan.











