--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Bureau of Internal Revenue District Office 15 Naguilian, Isabela na may mga taxpayers na nahaharap ngayon sa mga kaukulang kaso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Robertson Gazzingan, officer-in-charge ng Revenue District Office 15 Naguilian, Isabela na sa ikalawang rehiyon ay may mga taxpayers na nahaharap sa kaso dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang buwis habang sa Isabela ay may mga nahainan sila ng kaso na mga taxpayers na hindi nagbabayad ng stamps sa kanilang mga produkto lalo na ang sigarilyo.

Aniya, karamihan sa mga nahihirapang magbayad ng kanilang tax sa Isabela ay ang mga traders ng agricultural products.

Maganda aniya na nakapagsagawa sila ng tax campaign kick off dahil pangunahing layunin nito na mapaalalahanan ang mga taxpayers na magbayad ng buwis sa tamang panahon.

--Ads--