--Ads--
Magpapatupad ng 24-oras na checkpoint ang Cabatuan Police Station sa Barangay Del Pilar, Cabatuan, Isabela upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at iba pang biyahero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Randy Baccay, Deputy Chief ng Cabatuan Police Station, sinabi niyang layunin ng tuluy-tuloy na checkpoint na mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan at makatulong na maiwasan ang anumang insidente.
Bahagi rin ito ng mga hakbang ng kapulisan upang mapalakas ang seguridad at matiyak ang kaligtasan ng mga dumaraan sa kanilang nasasakupan.











