Inanunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Liberal Party.
Sinabi ng 53-anyos na tuluyan itong aalis bilang Prime Minister hanggang may napiling bagong papalit sa kaniya.
Isa sa mga labis nitong pinanghihinayang ay ang proseso ng halalan ng kanilang bansa.
Magiging suspendido ang parliamento ng Canada ng hanggang Marso 24 hanggang mayroon ng bagong lider.
Pumayag aniya ang Governor General na magsagawa ng bagong sesyon ang parliamento at ito ay isasagawa sa Marso 24.
Si Trudeau ay naging lider ng Liberal Party sa loob ng 11 taon at naging prime minister ng siyam na taon.
Nahaharap ito sa mga krisis mula sa banta ni US President elect Donald Trump na magpataw ng mataas na taripa sa mga produkto mula Canada at ang pagbatikos nito sa halalan.