--Ads--

Maraming mga Canadian ang na-offend sa naging pahayag ni US President Donald Trump hinggil sa kagustuhan nitong gawing ika-51 na estado ng US ang Canada.

Ito ay naganap sa kauna-unahang Oval Office Meeting ni Trump at Canadian Prime Minister Mark Carney sa White House kung saan inihayag ni Trump na maituturing na “Wonderful Marriage” para sa dalawang bansa kung papayag ang Canada sa hangarin nito.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na bagama’t sinabi ito ni Trump sa pabirong paraan at tila nakikipag-negosasyon ay maraming mga Canadian ang hindi ito nagustuhan.

Maging si PM Carney ay sinabing hindi ipinagbibili ang Canada.

--Ads--

Ayon kay Trump, malaking kaginhawaan para sa Canada kung papayag itong maging estado ng US dahil hindi na nila kinakailangan pang magbayad ng buwis at mamroblema sa $200 Billion deficit sa kanilang Militar.

Gayunpaman ay maayos na nagtapos ang naturang pagpupulong at bukas ang US para sa mga susunod pang negosasyona lalo na at naging maayos ang kanilang pag-uusap sa kabila ng mga mabibigat na usapin na kanilang natalakay.