--Ads--

Nanaig sa 2026 Eindhoven Box Cup sa Netherlands si Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam matapos masungkit ang gintong medalya sa Van Der Valk Hotel.

Tinapos ni Paalam ang kampanya sa impresibong panalo kontra kay Abdul-Rahman Burton ng England sa finals ng -55kg division.

Ipinakita ng Filipino boxer ang kanyang karanasan at disiplina sa buong laban na naging susi upang manaig laban sa British fighter.

Nagkamit si Paalam ng unanimous decision victory, 5-0.

--Ads--

Naabot niya ang finals matapos talunin si Binnami Billal ng France sa semifinal via 4-1 decision.

Ayon kay Paalam, labis ang kanyang kasiyahan sa naging resulta at inialay niya ang tagumpay sa kanyang masusing pagsasanay at sa mga sumusuporta sa kanya.

Ang panalo ay nagsisilbing paghahanda ni Paalam para sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan, kung saan target niyang makuha ang gintong medalya matapos ang sunod-sunod na kampanyang hindi natapos sa podium finish sa mga nakaraang edisyon.