--Ads--

Papayagang makadalaw ang mga kamag-anak ng mga persons deprived of liberty o PDLs sa Cauayan City District Jail ngayong araw ng pasko at sa unang araw ng bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Emerald Hombrebueno, warden ng Cauayan City District Jail na sa regular na araw ay bawal ang pagdalaw ng Lunes pero dahil naitaon ito ng December 25 at January 1 ay pinayagan nila ang dalaw ng buong maghapon.

Gayunman ang mga dadalaw ng umaga ay hanggang sa tanghali lamang sila at ang mga dadalaw naman ng hapon ay uuwi ng alas-4 ng hapon.

--Ads--

Ayon pa kay Atty. Hombrebueno, nagkaroon sila ng Christmas celebration at binigyan ng parangal o premyo ang mga PDLs na nanalo sa kanilang mga pa-contest gayundin ang mga nanalo sa kanilang basketball tournament.

Mula naman aniya noong Nobyembre ay marami nang nakalaya na mga PDLs sa Cauayan City District Jail at ngayong Disyembre ay marami nang korte ang nakasara kaya naghihintay pa sila ng mga court order na maibibigay sa kanila.