
CAUAYAN CITY – Nakatakdang bigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang Cauayan City airport employee na si Alexander Nuñez matapos isauli ang P82,000 na kaniyang napulot sa Cauayan City Airport.
Sa naing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninag Panlungsod Member Garry Galutera Chairman ng Committee on Tourism sinabi niya na matagal ng isinusulong ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan ang programang Proud Cauayeño at kinikilala ang katapatan ng bawat Cauayeño na nagbabalik ng mga napupulot nilang gamit.
Sa katunayan ay ginagawa rin ang naturang programa sa mga paaralan sa pamamagitan ng Project Watch at isinusulong ang kahalagaan ng pagiging tapat.
Matatandaan na naibalik kay Ginang Evelyn Ignacio OFW na mula sa Singapore ang kaniyang envelop na naglalaman ng pera at iba pang dokumento na napulot ni Nuñez sa loob ng paliparan.
Umaasa si SP Member Galutera na magsisislbi itong aral para sa iba upang pamarisan.










