--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang chief tanod ng  Furao, Gamu, Isabela matapos malunod sa ilog nang tangkaing iligtas ang dalawang kamag-anak na nalulunod.

Ang biktima ay si Thomas Baquiran, 62 anyos, may-asawa, isang chief tanod at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng Gamu Police Station,  nagtungo ang biktima  sa tabing-ilog partikular  sa quarry site  kasama ang kanyang mga kamag anak.

Habang nag-iinuman  ay ilang kamag-anak ang nagtungo sa ilog para maligo.

--Ads--

Habang naliligo ay sumigaw ang mga kamag-anak dahil nalulunod ang dalawa nilang kasama kaya sumaklolo si Baquiran ngunit tinangay siya ng malakas na agos ng tubig.

Sa pagsaklolo ng iba pang kamag-anak ay nailigtas ang dalawang nalulunod ngunit bigo silang mailigtas ang chief tanod.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kamag-anak ni Baquiran kasama ang mga kasapi ng Dart Rescue 831, Gamu Police Station at natagpuan ang katawan ng biktima na dinala sa ospital  subalit idineklarang dead on arrival.