--Ads--

Patuloy na ipinapaalam ng City Civil Registrar Office sa Cauayan City sa publiko ang bago nitong lokasyon matapos mapansin na may mga kliyente pa ring nagtutungo sa dating gusali ng tanggapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Civil Registrar Officer Nerissa Serrano, sinabi niyang marami pa rin ang nagtutungo sa dating tanggapan dahil maaaring hindi pa batid ng ilan ang isinagawang paglilipat ng opisina.

Aniya, nasa dating gusali na ngayon ng Regional Trial Court Branch 19 ang City Civil Registrar Office, malapit sa Cauayan City Hall Festival Ground.

Maaari pa ring makuha rito ang mga serbisyo tulad ng birth registration, marriage at death certification, gayundin ang iba pang dokumento at serbisyong may kaugnayan sa civil registry.

--Ads--

Matatandaang isinagawa noong Agosto 3, 2026 ang blessing at opisyal na pagbubukas ng bagong tanggapan sa naturang gusali.
LOKAL

Layunin ng paglilipat na maging mas accessible sa mga residente at mapadali ang pagkuha ng mga serbisyo ng City Civil Registrar Office.

Bukas ang tanggapan mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.