--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis ang pasasalamat ng City of Ilagan Police Station sa natanggap na pagkilala bilang Best City Police Station sa ikalawang rehiyon sa ginanap na pagdiriwang ng ikaisang daan dalawampu’t dalawang Police Service Anniversary ng Police Regional Office 2 o PRO2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi PLt. Col. Lord Wilson Adorio, hepe ng City of Ilagan Police Station na natutuwa sila dahil nabigyan ng pagpapahalaga ang mga nagawa nila sa mga nagdaang taon.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pulisya at sa suporta ng pamahalaang lunsod ng Ilagan katuwang ang kanilang mga community stakeholders, support groups at advisory groups para maabot ang kanilang mission at vision sa PNP.

Aniya, noong nakaraang taon ay natanggap din ng kanilang himpilan ang naturang award dahil na rin sa sipag at didikasyon ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station.

--Ads--

Ang sikreto aniya rito ay ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng kanilang himpilan at tinitiyak na nagagawa nila ito ng maayos.

Bukod naman sa naturang award ay nagawaran din ang kanilang NUP personnel na si Cherry Ann Gazzingan bilang Best Non-Uniformed Personnel sa Non-Supervisory Level.

Nabigyan din ng special award ang lunsod ng Ilagan at bukod tanging LGU na nabigyan ng award.

Nanominate din sa National at nasa top 3 naman ito.

Ayon pa kay PLt.Col. Adorio, noong nakaraang buwan ay naparangalan din sila bilang 3rd place nationwide ng Community Service Oriented Policy na iginagawad naman ng National Police Commission.

Hinirang din sila bilang Outstanding City Police Station pagdating sa police community relations sa regional level.