--Ads--
Inihayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte, walang natukoy na iregularidad ang Commission on Audit (COA) sa paggamit ng confidential funds ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na batay sa credit notice na inilabas ng COA noong Agosto 2024, walang nakitang problema ang ahensya sa paggamit ng naturang pondo ng DepEd.
Binigyang-diin ni Poa na matagal nang umiiral ang nasabing credit notice at mahalagang nailahad na ito sa pagdinig sa korte.
Dagdag pa niya, handa ang depensa na tugunan ang anumang usapin kaugnay ng credit notice sakaling muling talakayin ito sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Duterte sa Senado.
--Ads--











