--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapasiyasat ng COMELEC kung sino ang naglagay o naghalo ng isang box ng sample ballots sa mga official ballots na gagamitin sa Benito Soliven, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerby Cortez, Asst. Regional Director ng COMELEC Region 2 at Election Officer ng Cauayan City na may nakahalong isang box ng sample ballots na may naka-shade na matagal nang naverify at nagkaroon na ng final testing and sealing sa naturang bayan. 

Noong na-verify ay wala naman silang nakita at tiniyak naman nilang tama ang pagkaka-deliver ng mga balota subalit ngayon lamang lumabas ang naturang reklamo.

Ang official ballots ay naiimprinta sa National Printing Office at wala namang maihahalong ano mang sample ballots.

--Ads--

Posible rin namang may naihalong sample ballots sa mga official ballots dahil may mga taong nagsasagawa ng final  sealing sa mga official ballots.

Sa ngayon ay hindi nila ma-verify ang naturang impormasyon dahil maraming kumakalat na fake news.

Maari ding ang naglagay ng sample ballots sa mga official ballots ay supporters ng isang kandidato.