Puspusan na ang paghahanda ng Commision on Elections o Comelec Isabela para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa ika-12 ng Mayo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty Manuel Castillo Jr., Provincial Election Supervisor IV ng Comelec Isabela sinabi niya na kung ikukumpara sa mga nagdaang halalan mas mabilis ang sistema ngayon dahil agad nang naideliver ang ilang election paraphernalia tulad ng mga official ballots sa ibat-ibang Treasurer’s Office ng mga LGUs.
Buwan pa lamang aniya ng Marso ay nagsimula na sila sa pagsasanay sa mga electoral boards maging sa mga special electoral boards sa mga detention centers o bilangguan.
Iba kasi aniya ang sistema sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs dahil matapos nilang bumoto, ang mga balota ay dadalhin sa kani-kanilang presinto at doon ipapasok ng mga otorisadong representative sa mga automated counting machines.
Dahil sa mainit na panahon ay binigyan ng prayoridad ang mga vulnerable sector tulad ng mga Senior Citizen, PWDs at mga buntis kung saan ang gagawin sa pila ng mga botante ay may interval para sila ay maisingit at agad nang makaboto upang maiwasan anumang hindi kanais-nais na pangyayari lalo sa usaping pangkalusugan.