--Ads--
CAUAYAN CITY – Nailigtas sa bingit ng kamatayan ang isang construction worker matapos na maisalba sa pagkalunod sa ilog Cagayan sa lunsod ng Ilagan.
Ang biktima ay si Joseph Banguilan, 56-anyos, construction worker at residente ng Calamagui 1st, City of Ilagan.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya nagpicnic ang biktima kasama ang kanyang pamilya at nagkayayaan na uminom ng alak.
Matapos na makainom ng alak ay bigla umanong nagdive sa ilog ang biktima at hindi na nakaahon.
--Ads--
Agad na humingi ng tulong ang mga kamag-anak ng biktima sa mga nakaduty na kasapi ng City of Ilagan Police Station upang hanapin ang biktima.
Narecover ang walang malay na katawan ng biktima na agad dinala sa City of Ilagan Medical Center kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling.










