--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa pito ang namatay dahil sa COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang namatay na pasyente ay si CV 945, 73-anyos na babae at mula sa Quirino, Bagabag.

Una rito ay nakaranas ng lagnat at ubo ang pasyente noong ika-3 ng Setyembre.

Ipinasakamay siya sa Region 2 Trauma and Medical Center subalit pumanaw din noong ika-4 ng Setyembre dakong alas Siete ng umaga.

--Ads--

Kahapon lamang din nang dumating ang kanyang laboratory test at positibo sa COVID-19.

Kaugnay nito ay nakapagtala ngayong araw ang lalawigan ng sampong panibagong kaso ng COVID-19.

Apat ang mula sa bayan ng Bagabag, dalawa sa Solano, dalawa sa Villaverde habang tig-isa naman sa mga bayan ng Aritao at Bayombong.

Ang mga bagong pasyente ay pawang may pakikisalamuha sa mga una nang nagpositibo sa lalawigan.