
CAUAYAN CITY – Umabot na sa animnapu’t walo ang nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon dos matapos magtala ng panibagong pito na kaso kahapon.
Ang unang nagpositibo ay si CV62 na isang 49-anyos na lalaki, isang OFW sa Saudi Arabia na mula sa Baggao, Cagayan.
Ang pasyente ay nakarating sa Pilipinas noong May 27 at nakauwi ng kanilang bayan noong June 19.
Nanatiling asymptomatic ang pasyente na nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao.
Ang ikalawang pasyente ay si CV63 na isang 24-anyos na babae, OFW sa Saudi Arabia, na mula sa Lunsod ng Cauayan.
Ang pasyente ay nakarating sa Pilipinas noong June 15 at nakauwi sa lunsod noong June 19.
Sa kasalukuyan ay walang nakikitang sintomas ng virus sa pasyente.
Ang ikatlong pasyente ay si CV64 na 27-anyos na lalaki, OFW sa Saudi Arabia, na mula sa San Mateo, Isabela.
Ang ikaapat na si CV65 ay 54-anyos na babae na mula sa Lunsod ng Santiago.
Siya ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Tondo, Maynila at nakauwi sa Lunsod noong June 20.
Nananatili namang asymptomatic ang pasyente.
Ang ikalimang pasyente ay si CV66, 25-anyos na babae mula sa Santiago City.
Siya ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Meycauayan, Bulacan at nakauwi sa nasabing Lunsod noong June 20 at asymptomatic.
Ang ikaanim na kaso ay si CV67, 53-anyos na lalaki na mula sa Santiago City na naglakbay sa Silang, Cavite at nakauwi sa Lunsod noong June 20.
Nakakaranas ang pasyente ng pabalik-balik na ubo.
Ang ikapitong kaso ay mula sa bayan ng Ramon, Isabela.
Nagsasagawa na ng contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibong kaso ang DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG, PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Cagayan at Lokal na Pamahalaan ng Baggao, San Mateo at Ramon maging ang Pamahalaang lunsod ng Cauayan at Santiago.










