CAUAYAN CITY – Inilunsad ang Cauayan City Creatives Night sa Cauayan City Hall grounds sa pangangasiwa ng Pamahalaan lungsod at Department of Trade and Industry.
Layunin ng nasabing programa na ipakita ang galing ng mga Cauayeño pagdating sa sining, musika, at kultura.
Ilan sa mga pakaaabangan ay ang Art Demonstrations and Displays, Street Chalk Art, Tattoo Artists, Cultural Performances, Open Mic, Ethnic Weaving Demonstration, Local Product Showcase, at Coffee Shops.
Ang programang masasaksihan ay may kaugnayan sa Fiestakutcha na ginaganap sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa na Ang plataporma ay para sa mga artista, performer, at malikhaing indibidwal.
Kaugnay nito, nagkaroon ng libreng admission ang sumali sa programa at mayroon ding munting handog ang Pamahalaan lunsod at Department of Trade and Industry sa mga kalahok.











