--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 na nakapagtala na rin sila ng initial infestation ng Onion Army warm sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DA Region 2 Senior Science Research Specialist Mindaflor Aquino sinabi niya na may ilang infestation ng onion army worm sa Alfonso Castaneda at Kayapa Nueva Vizcaya.

Dahil dito ay agad silang nag bigay ng technical assistance at recommneded insecticides para maagapan ang paglaganap o dumadaming populasyon ng Onion army Worm.

Maari ring gumamit nag mga magsasaka ng pheromone traps bagamat may kamahalan ay epektibo naman aniya ito dahil mga adult army worms ang napupuksa nito.

--Ads--

Tinitignan ngayon ng DA Region 2 na posibleng dahilan sa pagkalat ng Onion Army Worm ay ang transportasyon.

Nakakabahala ito para sa mga Onion Farmers dahil kayang sirain ng Onion army Worms ang nasa 90% hanggang 100% ng mga crops o pananim.