--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa maayos nang kalagayan ang isang dalaga na na-overdose sa kanyang ininom na pain reliever.

Isinugod sa ospital ang dalaga na itinago sa pangalang Ana, 19 anyos at residente ng Alicaocao, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue 922, agad silang tumugon matapos matanggap ang tawag hinggil sa pagduduwal ng dalaga.

Siya ay isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

--Ads--

Matapos pagalitan ng kanyang ama ay uminom umano ng 9 piraso ng mefenamic acid ang dalaga na naging dahilan ng kanyang pagduduwal.